300X600

Monday, June 13, 2016

BANDIDO

Pinasok ng grupong bandido ang isang church
habang ang pastor ay nangangaral ,sila'y may
mga dalang armas.

ang mga member ay nagulat at lahat halos
ay kinabahan ,maging ang pastor ay tumigil
sa pangangaral.

ilang sandali umakyat ang pinuno ng bandido
sa stage at kinuha yung mic ng pastor at
nagsimulang magsalita

" kung sino man sa inyo ang handang mamatay
para kay Cristo huwag lalabas ng simbahan ! "

subalit halos maubos ang maraminng tao
sa loob ng simbahan dahil sa takot na mamatay
pero may natira pa rin konti sa loob ng simbahan

hamon ulit ng pinuno ng bandido

" baka mayroon pang gustong lumabas sa inyo
binibigyan ko kayo ng pagkakataon "

pero ang pastor at ilang member sa loob ay
hindi na umalis , handa silang mamatay
para kay Cristo.

muli nagsalita ang pinuno ng bandido

" Pastor ituloy nyo na yung pangangaral nyo
naglayasan na yung mga ipokrito "

Aral :

Nais ng Panginoon na ang pananalig natin sa
kanya ay hindi lang panlabas na rituwal
kundi handa tayong magsakripisyo para
kay Cristo.





No comments:

Post a Comment