300X600

Sunday, July 3, 2016

TAWA NG TAWA

Bago dumating ang sunday para mangaral ang pastor
umiinit na ang ulo ng pastor dahil sa mga
church worker na pasaway at matigas ang ulo

kaya ng sumapit ang sunday , dala pa rin niya ang
init ng kanyang ulo kaya nagpasaring na lang ito sa pulpito

sabi niya

" lahat kayo rito sa loob ng simbahang ito ay pupunta sa impiyerno 
kung hindi kayo magbabago ! "

pagkatapos niyang sabihin ito , biglang may isang lalaki na
tumawa ng tumawa ng malakas sa bandang likuran , at ito'y 
nakatawag ng pansin ng lahat.

kaya lalong uminit ang ulo ng pastor at bumaba ito sa pulpito
at pinuntahan ang lalaking tumawa at ito'y tinanong

" Brod , bakit ka ba tawa ng tawa , may nakakatawa ba sa sinabi ? "

sagot ng lalaki 

" wala po pastor , pero buti na lang hindi ako member sa church na ito "

Aral :

Ang pagdalo sa gawain ay mahalaga subalit kung hindi naman natin
isasabuhay ang mga aral ng Panginoon na itinuro sa atin sa loob ng
church , sayang lang ang ating pagsisimba.

No comments:

Post a Comment