Sa kauna-unahang pagkakataon , niyaya ng nanay ang
kanyang anak sa church na kanyang dinadaluhan
nakita ng bata ang mga tao sa loob ng simbahan ay
nagkakamayan , nag-ngingitian , nagyayakapan
seryosong nakikinig ng salita ng Diyos at masaya
kaya sa loob loob ng bata
" wow ganito pala dito ,ang saya ,gusto ko dito "
pagkatapos ng gawain , niyaya na ng nanay
ang kanyang anak para umuwi na.
pero may sinabi ang bata sa kanyang nanay
" nay , huwag na po tayong umuwi , dito na po
tayo tumira "
nagulat yung nanay at ang sabi
" Ha , bakit ? "
sagot ng bata
" Kasi po dito ang bait bait nyo , sa bahay
ang sama ng ugali nyo "
Aral :
Kung nais mong maakay ang mga mahal mo
sa buhay sa Panginoon ,ipakita mo ang tunay
na pagbabago sa buhay mo para maniwala sila
sa iyo.
No comments:
Post a Comment