Tatlong ahente ng insurance ang nag alok sa isang ginang
sabi ng unang ahente
" mam , sa akin na po kayo kumuha ng insurance kasi
malawak po ang sakop nito , ang sakop po nito mula
sa pagsilang hanggang sa kamatayan "
sabi ng ginang
" aba ok yan ha "
sabi naman ng ikalawang ahente
" mam , sa akin na po kayo kumuha ng insurance kasi
mas maganda po ito at mas malawak , katunayan ang
sakop po nito ay mula sa bahay bata hanggang sa libingan "
sumabat naman ang ikatlong ahente na ngingisi ngisi
" mam ,sa akin na po kayo kumuha ng insurance , hindi
sa minamaliit ko itong mga kasama ko , pero mas sulit
na sulit po ang insurance namin "
tanong ng ginang
" talaga , bakit mo naman nasabi ? "
sagot ng ahente
" sapagkat ang nasasakop po ng aming insurance ay
mula sa paglilihi hanggang sa muling pagkabuhay "
Aral :
Ang Diyos ang lumalang at nagmamay-ari ng lahat
ng bagay ,kaya kung anuman ang ating mga pangangailangan
pwede niyang ipagkaloob sa atin kung tayo ay lalapit
at tatawag sa kanya ng may pagtitiwala.
credit to the author..
No comments:
Post a Comment