300X600

Wednesday, June 22, 2016

JEEP

Naaksidente ang isang pampasaherong jeep sa isang 
lugar at grabe ang natamong pinsala ng driver at
lahat ng pasahero nito

halos wasak na wasak ang pampasaherong jeep 
kaya ang mga pasahero nito ay nagtalsikan
palabas ng jeep

ilan sa mga nakasaksi ang agad na tumawag ng
rescue team para tulungan ang mga biktima

mga ilang sandali dumating na ang mga rescue
team , agad nilang sinaklolohan ang mga biktima

habang sinasaklolohan ang mga biktima
napansin ng isa sa rescue team ang isang 
biktimang pasahero na nakahandusay pa
na inaabot ng pilit ang driver na nakahandusay rin

lumapit ang rescue man sa nakahandusay na
biktima at tinanong ng pabulong

" sir , sir , bakit pilit po ninyong inaabot ang driver ? "

sumagot ang biktima na habol ang hininga

" aaahhh....aannng...ang sukli ko " 

Aral:

Bagama't kailangan natin ang pera
subali't hindi tayo dapat na magmukhang pera
sa mata ng Diyos kaligtasan ng kaluluwa ang
mas mahalaga pangalawa na lang ang ibang bagay

No comments:

Post a Comment