300X600

Saturday, June 11, 2016

HINDI NATAKOT

Habang nangangaral ang isang pastor sa
sa kanyang malaking congregation 

bigla daw lumitaw ang diablo sa gitna
ng stage at ang mga tao ay kanya kanyang
takbo dahil sa sobrang takot , pati ang
pastor kumaripas na rin ng takbo

kaya halos ang loob ng malaking church ay
walang natirang member , maliban lang
sa isang matandang babae na nakaupo
sa harap na sobrang kalmado at wala man lang
kabakas bakas na ito ay natakot

dahil dito ang diablo ay labis na nagtaka
at napaisip kaya nilapitan niya ang matanda
at kinausap na may pananakot

" Hoy tanda hindi mo ba ako kilala ? ! " 
ako si satanas ! " 

sagot ng matanda 

" alam ko  ikaw si satanas "

sabi ng diablo

" alam mo palang ako si satanas bakit
hindi ka natakot ? "

sagot ng matanda

" bakit naman ako matatakot sa iyo
pareho lang naman kayo ng asawa ko
demonyo rin kaya iyon ! "

Aral :

Dapat makita sa ating mga kristiyano na
iba na ang ating buhay kaysa sa mga makamundo.




No comments:

Post a Comment