300X600

Monday, June 20, 2016

MULTO

Pauwi na ang pastor mula sa misyon ng abutin siya
ng ulan sa isang alanganing lugar kaya naghanap muna siya 
ng masisilungan

Nakakita siya ng isang lumang simbahan kaya duon 
muna siya nakisilong.

kumatok siya sa pinto pero parang walang tao ,
sinubukan niyang buksan ang pinto pero ito ay
bukas kaya tumuloy na siya.

sabi niya " tao po " pero walang sumasagot
kaya namalagi na lang siya sa loob.

napansin niya na ang simbahan ay marami ng agiw
at ang mga gamit ay marami ng alikabok na tipong
matagal na itong hindi ginagamit

medyo iba ang pakiramdam niya sa simbahang iyon
gustuhin man niyang umalis pero napakalakas ng ulan
at kumikidlat pa kaya wala siyang magagawa kundi
ang magpalipas na ng magdamag

sa hating gabi ng kanyang pagtulog nakarinig siya ng mga
kalabog pero wala namang tao kaya medyo kinabahan na siya
panay na ang rebuke niya...

mga ilang sandali pa , dumami pa ang kalabugan ,
may nalalag na kung ano anong mga bagay 
at nakarinig na siya ng mga boses na nakakatakot

pero dahil sa pastor siya , hindi siya nagpapatinag
panay lang ang rebuke niya..in J.. name !

maya maya nagpakita na sa kanya ang mga multo
at papalapit na sa kanya

dahil sa kanyang pagkataranta , binato niya ng
bible ang mga multo pero nagtatawanan lang ito

ang mga multo ay patuloy na lumalapit sa kanya

naghanap pa siya ng maibabato , may nakita siyang
krus ,ipinakita niya ito sa mga multo , pero lalo lang
nagtawanan ang mga ito

ang mga multo ay patuloy pa rin na lumalapit
sa pastor , pero ang pastor ay naghagilap pa rin ng bagay
na ibabato sa mga multo

masuwerte naman at may nakuha pa siyang pwedeng ibato
sa mga multo , at ng ito ay ibabato na niya sa mga multo
ang mga multo ay nagsikaripas ng takbo na takot na takot

ang pastor ay takang taka sa nagyari , sa isip isip niya

" bakit biglang nagtakbuhan ang mga multong iyon at
parang takot na takot pa sila ? "

tiningnan ng pastor yung nadampot niya na dapat ibabato
niya sa mga multo , at nalaman niya na ang nadampot pala
niya ay offering bag.

napagtanto ng pastor na ang mga multo pala sa simbahang iyon
ay takot sa offering..

Aral :

magbigay man tayo para sa Panginoon ay hindi natin
dapat panghinayangan at ihinto dahil ang pangako
naman ng Panginoon ay ibabalik niya ito sa atin ng
siksik ,liglig at nag uumapaw na pagpapala.


No comments:

Post a Comment