300X600

Tuesday, June 21, 2016

ANG MAYAMAN

Nagpakita si satanas sa isang mayaman at
inalok niya ito

sabi ng diyablo

" kaibigan gusto mo bang pumunta sa impiyerno ? "

dahil mayaman , wala naman siyang panahon sa pagsisimba
dahil puro negosyo ang inaatupag , kaya inosente siya tungkol
sa bible.

sabi ng mayaman

" ano ba yung impiyerno ? "

ang ginawa daw ng diyablo , nilabas yung kanyang
laptop at ipinakita sa powerpoint kung ano ang
impiyerno

napanood ng mayaman sa powerpoint ng diyablo
na ang impiyerno ay ,maraming magagandang chicks ,
mga party , mga iba't ibang kulay ng light , may banda,
maraming alak at mga nag-iinuman puro happenings

sabi ng mayaman

" aba , ok pala sa impiyerno ha , paano ba makakapasok diyan ? "

sabi daw ng diyablo

" madali lang , habang nabubuhay ka ,magpakasama ka , 
manloko ka ng tao , huwag kang gagawa ng mabuti ,puro 
masama lang ang  gagawin mo "

kaya ganun nga ang ginawa ng mayaman.

dumating ang panahon namatay ang mayaman
at kinuha ng mga demonyo ang kanyang kaluluwa
at dinala sa impiyerno

tinanong ng mayaman ang demonyo

" brod , ito na ba yung impiyerno ? "

sagot ng demonyo

" yes sir ,ito na nga po "

sagot uli ng mayaman

" teka ,bakit ganun ,sa pinakita sa akin ng boss mo
sa powerpoint ang impiyerno ay masaya , bakit ang
nakikita ko dito ang mga tao sinusunog at pinapahirapan ? "

sagot uli ng demonyo

" aaahh yun ba ? , naku sir pasensiya na kayo , lahat po ng
napanood nyo sa powerpoint demo lang , wala pong totoo duon." 

Aral :

Bagama't tayo pong mga kristiyano ay nasa mundo
hindi po tayo dapat na mamuhay sa pagpapakamundo ,
ng sa ganoon hindi tayo mabiktima ng diyablo

No comments:

Post a Comment