Nagkaroon ng malaking pagpupulong ang mga pera
naroon si 1000 , 500 , 200 , 100 ,50 pesos
naroon din ang mga baryang sina 10 piso , 5 piso , piso , at iba pang
mga barya
Nang ayos na ang lahat nagsimulang magsalita
si 1000 pesos
" Salamat sa inyong pagdalo sa ating mahalagang
pagpupulong , nakakalungkot mang sabihin pero
buo na ang aming pagpapasya "
" simula ngayon ,kayong mga barya ay hindi na
dapat sumama sa aming mga buo sapagkat
nakakagulo lang kayo "
laking gulat ng mga barya sa kanilang narinig
ito'y isang malaking insulto sa kanila.
nagsalita si 10 piso
" hindi naman yata makatarungan ang
ginawa ninyong desisyon , masyado ninyong
hinamak ang aming kalagayan "
sumabat si 500 pesos
" tama lang yun mga barya sapagkat kaming
mga buo ay sosyal , kami ay nasa casino , nasa
first class na hotel , nasa mamahaling restaurant
nasa mga mamahaling bars at sa mga sikat
na lugar "
tahimik lang ang mga barya ,sapagkat
totoo naman ang kanilang sinasabi
at para naman hindi sila magmukhang
kawawa ,nagsalita si 5 piso
" totoo mataas ang tingin sa inyo dahil
kayo ay buo , lalo ka na 1000 "
" pero nakakahigit pa rin kami sa inyo
sapagkat kami ay mga kristiyano "
nagulat ang mga buo sa patutsada ni
5 piso
nagtanong si 200 pesos
" anong ibig nyong sabihin ? "
sumagot si piso
" alam nyo kapag sunday lagi kaming
nasa simbahan , subukan nyong silipin ang
offering bag , kumpleto kami dun
samantalang kayo...ewan..."
Aral :
Kung lubos naman tayong pinagpala ng
Panginoon ,huwag tayong manghinayang
na magbigay ng malaki sa Panginoon
No comments:
Post a Comment