300X600

Thursday, June 16, 2016

MAHUSAY ANG PASTOR

Tatlong kapatiran ang nagka kwentuhan tungkol
sa nadaluhan nilang fellowship

sabi ng una

" mga kapatid , maganda yung nadaluhan kong church kahapon
nang magsimulang mangaral ang pastor , mula sa umpisa
hanggang sa huli ,ang saya , panay ang patawa ng pastor "

bumida naman ang ikalawa

" ganun ba , alam nyo yung nadaluhan kong church kahapon
matindi rin , kasi mula ng magsalita ang pastor ,mula umpisa
hanggang sa huli , iyakan ang mga tao , ang iba natumba pa ,
grabe ang kilos ni Lord "

sumabat yung ikatlo 

" amen , amen , pero alam nyo mga kapatid , parang mas matindi
yung church na nadaluhan ko kahapon , kasi ng magsimulang
mangaral ang pastor , mula umpisa hanggang sa huli , nakatulog ang
mga tao "

nagtanong yung unang brother

" brod anong matindi roon , eh nakatulog nga mga tao ? "

sagot niya

" alam mo brod ,hirap akong makatulog ,umiinom pa nga ako
ng pampatulog pero hirap pa rin akong makatulog, pero ng
mangaral na yung pastor ,di ko namalayan nakatulog na pala
ako , ang galing di ba ? "

Aral

Ang mga salita ng Diyos ay puno ng pagpapala
kaya di dapat sayangin na ito ay makuha

No comments:

Post a Comment