300X600

Friday, June 24, 2016

NATUTULOG

NATUTULOG

sa loob ng sunday school nakatulog ang isang batang
estuyante habang nagtuturo ang teacher

nagtanong ang teacher sa kanyang mga estudyante

" sino ang gumawa ng mundo ? "

ang ginawa ng isang estudyante na katabi ng natutulog
tinusok ito ng kanyang lapis na hawak kaya ang natutulog
na estudyante ay nagulat at nagising at nasabi ang

" Panginoong Diyos ! "

sabi ng teacher 

"very good ,very good "

ilang sandali ,nakatulog na naman yung estudyate

nagtanong ulit ang teacher

" mga bata , sino ang ating tagapagligtas ? "

ang natutulog na bata ay tinusok ulit ng lapis ng kanyang
katabi kaya nagulat ito at napasabi ng malakas.

" Jesus Christ ! "

sabi ng teacher

" very good , very good "

ilang sandali nakatulog ulit yung estudyante

nagtanong ulit ang teacher

" class , ano ang sinabi ni eva kay adan pagkatapos nilang 
magkaanak ng sampu ? "

tinusok ulit ng lapis ang batang natutulog ng katabi
kaya nagulat ito ulit at napasabi ng pagalit :

" ano ba ! , subukan mo ulit akong tusukin sasampalin na kita "

nagulat yung teacher..

Aral :

Huwag po tayong matutulog sa oras ng  gawain 
para malinaw sa atin kung bakit tayo sumasagot ng amen..

No comments:

Post a Comment