300X600

Saturday, June 25, 2016

GUSTONG GUMANDA

GUSTONG GUMANDA

Naaksidente ang isang bus na puno ng mga pangit na
pasahero ,wasak wasak ang bus at namatay silang lahat

pagdating nila sa langit ,binigyan sila ng pagkakataon
ng Lord na hilingin ang lahat ng gusto nila.

isa isa silang nakapila , unang humiling ang nasa unang pila
sabi niya.

" Lord gusto ko pong gumanda "

sa isang click lang ng kamay ni Lord ,bigla siyang
gumanda.

mula sa unang pila hanggang sa ika tatlumpung  pila
halos parepareho ang kanilang gusto ,ang maging maganda
at guwapo ,at nangyari naman lahat.

ang panghuli sa pila ay ngingisi ngisi lang at tila may
naglalaro sa utak

tinanong siya ni Lord

" ikaw anong kahilingan mo ? "

sagot ng tao

" Lord gusto ko lahat sila maging pangit ulit "

at muli naging pangit silang lahat

Aral :

Nais ng Diyos na maging pagpapala tayo sa ibang tao
at hindi ang manira , manlait , mantsimis , manggulo
maiingit sa ating kapwa.


No comments:

Post a Comment