SILID
Namatay sa aksidente ang isang lalaki
at dinala siya sa impiyerno
sabi ng diyablo sa lalaki
" dito sa impiyerno ay may tatlong
silid kang pagpipilian ng kaparusahan
mamili ka kung ako ang gusto mo "
nang pinasilip sa kanya ang unang silid
nakita niya ang mga kaluluwa doon ay
sinusunog
sabi niya
" ayoko dito "
sumunod pinasilip sa kanya ang ikalawang silid
nakita niya ang mga kaluluwa doon ay binabagsakan ng
malalaking bato
sabi niya ulit
" naku mas lalong ayoko dito "
panghuli pinasilip sa kanya ang ikatlong silid
nakita niya nagkakape at nagkukwentuhan ang mga kaluluwa
pero ang baywang nila hanggang paa ay nakalubog sa
popo ng tao , hayop at sobrang kadiri
sabi niya
" bosing , dito gusto ko kahit kadiri at least
hindi pahirap "
kaya doon siya nilagay at kasama ng nakapagkape
ng ibang kaluluwa
ilang sandali sabi ng demonyong naka assign sa
room na yun
" ok time is up , magsitaob na kayo ! "
Aral :
Habang may panahon pa tanggapin na natin si
Cristo at magbagong buhay na tayo upang hindi na tayo
humantong sa kapahamakan ng impiyerno.
Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan
ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang
katakutan ninyo'y ang nakapapatay ng kaluluwa at
katawan sa impiyerno. Mateo 10:28
No comments:
Post a Comment