300X600

Saturday, June 18, 2016

JEEP

Eksena sa loob ng pampasaherong jeep

Alin ba sa mga ito ang naranasan mo ?

1. Halos lahat ng pasahero ikaw ang taga abot ng bayad
kasi malapit ka sa driver (  instant kondoktor ka )

2. kakapiraso lang ang puwet mong nakaupo kaya ngalay
na ngalay na yung tuhod mo pero wala pa ring bumababa
( kulang na lang maupo ka na lang sa sahig )

3. Gawin kang sandalan ng katabi mong natutulog 
( feeling niya unan ka )

4. Para ka ng para pero mukhang bingi yung driver
kaya ang layo ng binabaan mo
( Grrrrrrrrr..........#$#@.*() .)

5. Ang lakas ng anghit ng katabi mo 
( wagas ang amoy , nakakamatay..)

6. Kung hindi ka pa magsabing " manong sukli ko " 
hindi ka pa susuklian  ( baka makalusot lang )

7. Ayaw umusog ng katabi mo ,ang luwag naman

8. Kung saan nagmamadali ka ,ang bagal ng nasakyan mong
jeep kasi panay hinto ng hinto wala namang bababa at sasakay
( kainiisss. )

9. Hindi ka pa nga nakaka baba , aandar na..
( mamang driver gusto mo ba akong patayin..)

10. Kung mag preno yung driver subsob lahat ng pasahero
hindi bale kung isang beses lang , kaso kada preno subsob mga pasahero
( mamang driver kakahilo ka na ha..)

11. Nag cutting trip yung jeep na sinakyan mo
( doble bayad tuloy )

12. Kung saan ka nagmamadali saka pa nagpagasolina , tapos hinihintay
pang matapos yung isang nagpagasolina..
( manong late na kooooo...)

13. Ang iingay mag kwentuhan yung mga katabi mo
( hoy ! nasa dyip kayo wala sa palengke ! )

14. sobrang bilis magmaneho ng driver parang gusto na
niyang magpakamatay ,tapos parang gusto ka pang idamay.

15. May sumakay , ang laki ng bagahe , kaya nagkaipit ipit ka na sa loob
( manong pwedeng mag taxi ka na lang... )

16. Sa kalagitnaan ng byahe mo biglang kumulo ang tiyan mo,hudyat na 
naeebak ka na, tapos trapik pa , kaya sisipat sipat ka baka may pwedeng
pagrausan ng kumukulo mong tiyan , kaso wala , kaya titiis mo na lang
( ang dasal mo...lord huwag nasang malubak )

17. dagdagan mo na lang kung meron pa....he he

No comments:

Post a Comment