300X600

Thursday, June 2, 2016

NASAAN YUNG PALAMAN

Nagmamadaling umuwi ang isang  estudyante
dahil gusto na niyang makakain dahil
gutom na gutom na siya

Pagdating niya sa bahay ang nanay niya ay
nasa labas ng bahay at nagwawalis walis

Ang estudyante ay nagmano muna at nagtanong 
sa nanay " Nay may makakain ba sa kusina ? "

Sagot ng nanay " May tinapay diyan anak 
kumain ka na lang "

Nagmamadaling tumuloy sa kusina ang
estudyante at binuksan ang balot ng tinapay
at pagkatapos ay naghahanap ng palaman

Sabi ng estudyante " Nay may tinapay dito
pero nasaan yung palaman ? " 

Sagot ng nanay " Anak may kanin diyan sa kaldero "

Sabi ng anak " Nay anong gagawin ko sa kanin " ?

Sagot ng nanay " Ipalaman mo sa tinapay " 

Aral :

Matuto na tayong makuntento kung anong meron
at magpasalamat sa Diyos

No comments:

Post a Comment