300X600

Friday, June 17, 2016

KAPITBAHAY

Dumating sa pagkakataon na ang isang kristiyano ay
kinapos ng budget kaya wala muna siyang pambili ng
pagkain

pero dahil sa palagi naman niyang naririnig sa church
na kung may pananalig ka mangyayari ang mga bagay
na imposible.

kaya ang ginawa niya kinuha niya yung pinggan at 
kutsara at nilagay niya sa mesa at pagkatapos
tinaas niya ang kanyang kamay na nakapikit at
nagsimulang manalangin

sabi niya na medyo malakas ang boses

" Lord maraming salamat po sa pagkain na ipapadala
nyo sa akin ngayon ,amen " 

ito'y paulit ulit niyang dasal

dahil sa malakas na dasal ng kristiyano narinig ng
kapit bahay ang kanyang dasal kaya sinilip niya ito

nakita niya na ito'y nakapikit at nakataas ang kamay

sa loob loob ng kapitbahay

" lokohin ko kaya ito ,ano kayang mangyayari "

ang ginawa ng kapit bahay , pumunta sa kusina niya
kumuha ng plastik at nilagyan ng kanin at ulam
pagkatapos hinagis na bahay ng kristiyano

sakto naman sa lamesa ng kristiyano bumagsak

nagulat ang krisityano kung ano yung parang may
nahulog sa lamesa niya ,kaya ng pagdilat niya ,
napasigaw siya

" praise the Lord ! thank you Lord tunay na 
sumasagot ka sa aming dasal "

biglang sumigaw yung kapit bahay

" hoy hindi si Lord mo ang nagbigay niyan , ako ! "

sabi ulit ng kristiyano

" Lord tunay na napakabuti mo talaga ,dahil kahit anak ng
demonyo ginagamit mo para lang pagpalain ang
mga anak mo , amen.. " 

Aral : 

Nangako ang panginoon na hindi niya tayo
pagkukulangin sa ating mga pangangailangan
basta't unahin lang natin ang kanyang kaharian.


No comments:

Post a Comment