300X600

Friday, June 10, 2016

OFFERING

Tatlong pastor ng sekta ang tinanong tungkol
sa offering kung paano nila hinahati ang
para sa Diyos at para sa kanila

Ang unang pastor ang sumagot

" dito sa aming sekta para mahati namin
ang offering na para sa Diyos at para sa amin
gumuguhit kami ng isang mahabang linya
sa sahig tapos ihahagis namin ang offering
paitaas , lahat ng bumagsak sa gawing kanan
yun ang para sa Diyos at lahat naman ng
bumagsak sa gawing kaliwa yun ang para sa amin "

Ang pangalawang pastor naman ang sumagot

" dito sa aming sekta para mahati namin ang 
offering na para sa Diyos at para sa amin
bumibilog kami sa sahig ng maraming bilog
tapos ihahagis namin ang offering paitaas
lahat ng pumasok sa bilog ay para sa Diyos
lahat naman ng lumabas sa bilog ay para
sa amin "

Ang pangatlong pastor naman ang sumagot

" sa aming sekta hindi na kami gumuguhit 
at bumibilog pa sa sahig para hatiin ang
para sa Diyos at para sa amin "

" ang ginagawa lang namin , hinahagis 

 lang namin lahat ng offering paitaas ,
basta lahat ng paitaas sa Lord ,  lahat ng
bumagsak sa sahig sa amin "

Aral :

Ang mga pagpapalang ating tinatamasa ay
biyaya ng Diyos sa atin kaya hindi natin dapat
pagdamutan ang kanyang gawain




No comments:

Post a Comment