RETOKE
Dinala sa hospital ang isang ginang na ang mga
edad ay nasa 50 na dahil sa atake sa puso
sa oras ng kanyang kritikal na kundisyon
nagpakita ang Lord sa kanyang panaginip
at tinanong niya ang Panginoon
" Lord mabubuhay pa ba ako "
ang sagot sa kanya ni Lord
" oo naman , mabubuhay ka pa ng 30 years "
at nabuhay pa nga siya
lumipas ang isang tao , naisipan ng ginang na
magpa makeover sa isang magaling na clinic
marami siyang pinaretoke sa kanyang katawan
gaya ng ilong , dibdib ,pwet , buhok , balat
kilay , ngipin , at iba pa ,total make over
ang nangyari
lumipas ang 3 buwan , habang siya ay naglalakad
nahagip siya ng trak at siya ay namatay
pagdating niya sa langit tinanong niya ang
Panginoon
" Lord akala ko ba mabubuhay pa ako ng 30 years
eh bakit wala pang dalawang taon namatay na ako "
sagot ng Lord
" naku anak pasensiya ka na , hindi kita nakilala
sa itsura mo ,ang dami mo pala kasing pinaretoke
sa katawan mo "
Aral :
Kalooban ng Diyos na mapabuti ang buhay natin
pero kung pipiliin natin ang sarili nating kagustuhan
na hindi ayon sa kalooban ng Diyos ,huwag nating isisi sa
Diyos ang masamang bunga nito.
No comments:
Post a Comment