300X600

Sunday, June 19, 2016

PUNTA SA CHURCH

Umaga ng sunday , pinuntahan ng nanay ang kanyang
anak sa kuwarto para gisingin

" anak gising na sunday  ngayon pupunta tayo sa church "

pero ang anak mukhang nagtutulog tulugan ,kaya sabi ulit
ng nanay

" anak tumayo ka na diyan ,sunday ngayon pupunta tayo
ng church ,baka mahuli tayo "

sumagot ang anak

" ayokong magpunta sa church kung gusto nyo kayo
na lang "

sabi ng nanay

" at bakit ayaw mong pumunta sa church , aber  ? "

sagot ng anak

" dahil ayaw nila sa akin ,kaya ayaw ko rin sa kanila "

sagot ng nanay

" aba anak hindi pwede ,kailangan kang pumunta sa church "

sagot ulit ng anak

" nay bakit ba ang kulit nyo , bakit ba kailangan ko pang
pumunta sa church "

sagot ng nanay

" batukan kaya kita , ikaw kaya ang pastor dun " 

Aral :

Kahit mga lingkod ng Panginoon nanlulupaypay rin
kaya lagi nyo lamang kami isama sa inyong mga panalangin

No comments:

Post a Comment