Habang si adan ay namamasyal sa garden of eden
dumating daw si Lord at kinamusta siya
" Kamusta adan "
sagot daw ni adan " ok naman po Lord ,
lahat po ng nandito sa paraiso ay maganda
at wala na po akong masasabi "
dugtong pa ni adan , " Lord pwede po bang magtanong ? "
Ang sagot daw ni Lord " Sige , ano yun adan ? "
Sabi ni adan " Lord bakit po ninyo ginawang
maganda si eba " ?
ang sagot daw ni Lord " siyempre adan , para
magustuahan mo siya "
tanong ulit ni adan " Lord bakit mo ginawang seksi si eba ?
sagot daw ni Lord " siyempre adan para magustuhan mo siya "
tanong ulit ni adan " Lord bakit mo ginawang maganda
ang kanyang kutis ? "
sagot daw ulit ni Lord " siyempre adan para
magustuhan mo siya "
hirit ulit ni adan " Lord isang tanong na lang po ,
bakit hindi po ninyo ginawang matalino si eba
at nalinlang siya ng ahas ? "
sagot daw ni Lord " siyempre adan para magustuhan
ka niya " ..
Aral:
ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa
magandang panlabas lamang kundi sa ganda
ng kalooban.
p.s.
mga binata tandaan , hindi lahat ng maganda
ay guwapo ang hanap, kundi ang ganda ng ugali
at puso.
No comments:
Post a Comment