300X600

Wednesday, June 15, 2016

LUGAW

Araw araw kumakain ang maton na siga siga sa lugawan ng 
intsik ng hindi nagbabayad

wala namang magawa ang intsik na may ari baka kasi
kapag nagreklamo siya gulpihin pa siya at guluhin  ang
kanyang lugawan kaya nagpapasensiya na lang siya.

isang araw naayayahan ang siga siga na dumalo ng
gawain ng Panginoon , at ang maton ay na born again

isang araw pumasyal ulit ang maton na siga siga sa
lugawan para kumain ng lugaw.

pagkatapos niyang kumain ng lugaw ,sa kauna unahang
pagkakataon ,nagbayad siya ng lugaw na kinain niya

nagtaka ang intsik kaya nasabi niya

" aba himala ikaw bayad na lugaw kain mo "

sagot ng maton

" ingkong na born again na kasi ako , nalaman ko masama pala
ang nang aabuso sa kapwa "

dugtong pa niya .

" sorry nga pala sa lahat ng pagsasamtala ko sa lugaw mo ,
pangako ko sa iyo mula ngayon magbabayad na ako ng
lugaw na kakainin ko "

sabi ng intsik 

" ako hingi rin sorry sa iyo , kasi mula ngayon hindi ko na rin
lagyan dura  lugaw mo "

Aral

Anumang panlalamang sa kapwa ,sa huli ito ay may
masamang kapalit. 

No comments:

Post a Comment